
CAUAYAN CITY – Sisikapin ng koponan ng Cagayan na makuha ang kampeonato sa Regional Invitational Sporting Events o DepEd Dos RISE 2022 na magsisimula ngayong umaga.
Magugunitang Taong 2016 hanggang 2018 ay naging kampeon ang Cagayan sa mga nakalipas na CAVRAA at kasalukuyang defending Champion bago nangyari ang pandemya.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Director Carlo Carangyan ng Team Cagayan na noong wala pang pandemya ay isang buwan nilang pinaghahandaan ang CAVRAA ngunit sa ngayon ay pinaiksi na para sa kanilang paglahok sa DepEd Dos RISE 2022.
Tiniyak naman ni Carangyan na bagamat maiksi ang kanilang paghahanda sa RISE 2022 ay tiniyak naman nito ang kahandaan ng kanilang atleta.
Sinabi niya na ang sikreto ng Cagayan sa pagiging kampeon ng magkakasunod na tatlong taon ay dumadaan sa iba’t ibang stages ng pagsasanay ang kanilang manlalaro.
District wide din ang kanilang pagpili sa mga atletang kalahok.
Tiwala silang makakuha ng gintong medalya sa mga individual events tulad ng Arnis, Pencac Silat, swimming at athletics.










