--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasugatan ang binatang janitor sa naganap na pananaksak sa isang lamayan sa Cauayan City.

Ang biktima ay si VJ Navarro, 30 anyos,binata at janitor habang ang pinaghihinalaan ay si Orlando Cabutaje, 30 anyos, isang helper at kapwa residente ng Paraiso Street, Cabaruan, Cauayan City.

Batay sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station lumalabas na nagtungo sa lamayan ng kamag-anak ang pinaghihinalaan kasama ang kanyang ama na sina Benjamin Navarro at kapatid na si Victor Navarro kung saan nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sina Cabutaje at VJ Navarro.

Dito ay kinuha ng suspek ang ginagamit na kitchen knife at sinaksak ang biktimang si VJ sa kanyang tagiliran.

--Ads--

Agad na nadakip si Cabutaje ng mga tumugon na kasapi ng Cauayan City Police Station habang dinala sa pagamutan si Navarro para malapatan ng lunas.

Nasa pangangalaga ng pulisya ang suspeck maging ang patalim na ginamit sa pananaksak para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.