--Ads--

CAUAYAN CITY– Muling tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa Beijing at nagkakaubusan ng mga panindigang gulay at karne sa merkado bunsod ng panic buying ng mga tao.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Frel Piquero na nag-iimbak ng pagkain ang mga Chinese dahil kapag may isang nagpositibo sa COVID-19 sa isang bahay, apartment o gusali ay isinasailalim na ito sa lockdown.

Maging sa vegetabe section ng mga supermarket ay nagkaubusan din ng suplay.

Ngayong araw ay isinagawa ang malawakang nucleic test sa mga mamamayan para maagapan ang muling pagkalat ng sakit.

--Ads--
Bahagi ng pahayag ni Bombo International News Correspondent Frel Piquero