
CAUAYAN CITY – Nasamsam ng mga awtoridad ang isang baril at tatlong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa pagsisilbi ng search warrant sa isang inuupahang bahay sa barangay Tagaran, Cauayan City.
Ang nadakip na suspek ay si Ronald Villamor, 43 anyos, may asawa, negosyante at residente ng naturang barangay.
Sa pagtutulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2, Cauayan City Police Station, Regional Intelligence Unit, Provincial Intelligence Unit, Regional Group on Special Concerns at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company ay isinilbi ang search warrant at nasamsam sa inuupahang bahay ng suspek ang isang caliber 38 revolver, apat na bala, isang lighter, tatlong sachet ng hinihinalang shabu at isang pouch.
Sasampahan si Villamor ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasa pangangalaga na ng Cauayan City Police Station ang mga nakumpiskang ebidensya para sa imbestigasyon at kaukulang disposisyon.




