
CAUAYAN CITY– Tinanggap ng bayan ng Sanchez Mira, Cagayan at Quezon, Isabela ang ‘Balangay Seal of Excellence’ ngayong araw, April 27, 2022 na ginanap sa Tuguegarao City.
Ang naturang parangal ay iginawad ng Phil Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga nasabing bayan matapos maideklarang drug cleared ang lahat ng mga nasasakupang Barangay.
Ayon kay Regional Director Joel Plaza ng PDEA region 2 ang naturang parangal ang pinakamataas na pagkilala na iginagawad ng PDEA sa buong Pilipinas.
Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ni Sanchez Mira Mayor Asela Sacramed sa lahat ng mga ahensya na kanilang katuwang para maging drug cleared ang kanyang bayan.
Una na ring nagsagawa ng Community-Based Anti-Ilegal Drug Advocacy at surveillance Drug Tests para matiyak na wala nang gumagamit ng illegal na droga.
Ang bayan ng Sanchez Mira ay may 18 Barangay kung saan noong buwan ng Oktubre 2021 ay idineklarang drug cleared ang naturang bayan.
Ang Quezon, Isabela ay mayroong namang 15 barangay.










