--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpatupad na ng temporary ban ang ilang probinsya sa bansa para sa poultry products kasabay ng outbreak sa Avian Influenza virus.

Kabilang sa mga lugar na ito ang Benguet, Pangasinan, Batanes, Marinduque, Albay, Sorsogon, Negros Occidental, Aklan, Bacolod City, Antique, Iloilo Province, Capiz, Iloilo City, Cebu, Negros Oriental, Bohol, Ormoc City, Southern Leyte, Zamboanga City, Zamboanga Del Sur, Pagadian City, Misamis Oriental, Cagayan De Oro City, Camiguin, Bukidnon, Iligan City, South at North Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, Surigao Del Norte, Bayugan City sa Agusan Del Sur at Cabadbaran City sa Agusan Del Norte.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Ike Paguru, OIC Regional Veterenary Quarantine Officer ng Bureau of Animal Industry (BAI) Region 2 na ang pagpapatupad ng temporary ban ng mga naturang lugar sa mga poultry products ay batay sa inilabas na executive order ng kanilang mga local government units.

Kung ano aniya ang nakalagay sa executive order na inilabas sa mga naturang lugar ay ito ang bawal na ipasok na mga poultry products.

--Ads--

Ayon kay Dr. Paguru, dito sa ikalawang rehiyon ay puwedeng maglabas ng poultry products basta kumpleto ang dokumento pangunahin na ang laboratory test.

Gayunman ay mahigpit na babantayan at hindi puwedeng ilabas ang mga poultry animals mga lugar na nakasailalim sa quarantine areas.

Mahigpit ding babantayan ang mga entry points kasama na ang seaboard, airport at checkpoints pangunahin na sa Sta. Praxedes, Cagayan; Sta. Fe, Nueva Vizcaya; Nagtipunan, Quirino at Kayapa, Nueva Vizcaya.

Katuwang nila ang DA, LGU at Provincial Veterenary Office sa pagbabantay.

Bahagi ng pahayag ni Dr. Ike Paguru, OIC Regional Veterenary Quarantine Officer ng Bureau of Animal Industry Region 2.