
CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang barangay kagawad habang tatlo ang nasugatan sa karambola kagabi ng tatlong morsiklo sa barangay San Manuel. Naguilian Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Merwin Villanueva, hepe ng Naguilian Police Station sinabi niya na binabagtas ni Eldifonso Atchure, barangay kagawad ng Casala, San Mariano Isabela, kasama ang kaniyang angkas na si Elizabeth Pascua, barangay Kagawad ng Gangalan San Mariano, Isabela ang daang maharlika at pauwi na sana mula sa Lunsod ng Ilagan.
Nang makarating sa pakurbadang bahagi ng kalsada ay inakala nilang tindahan maliwanag na bahagi sa kabilang linya ng kalsada kaya sinubukan niyangg tumawid sa kabilang linya subalit ng makitang hindi ito tindahan ay agad bumalik sa linya.
Hindi niya napansin ang paparating na motorsiklo na minamaneho ni Private 1st class Percy Jay Balbin Monterubio ng Quirino, Naguilian Isabela na naging sanhi ng bangaan.
Nadamay din sa bangaan ang isa pang motorsiklo na nakasunod kay Monterubio na minamaneho ni Agustin Navarro.
Galing ang dalawang barangay dagawad sa grand rally ng nina Presidential candidate Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio sa Lunsod ng Ilagan at pauwi na sana sa San Mariano, Isabela nang maganap ang aksidente.
Agad na dinala sa ospital ang mga biktima subalit binawian ng buhay si Atchure habang nilalapatan ng lunas matapos na magtamo ng sugat sa katawan at ulo.
Nagpapagaling na sa ospital ang dalawang nasugatan habang ang isa pang barangay kagawad na angkas ni Atchure ay piniling magpagaling sa ospital sa San Mariano, Isabela.










