--Ads--

CAUAYAN CITY– Ikinagulat ni Eng’r Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) na ang dating fertilizer subsidy na Php3,000.00 ay ginawa na lamang na Php2,000.00.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Engr So na noong nakaraang taon na Php800.00 hanggang Php850.00 ang halaga ng urea ay Php3,000.00 ang ayuda.

Ngayon na umabot na sa Php3,200.00 ang bawat sako ng pataba ay ginawa na lamang na Php2,000.00 ang ayuda.

Ayon kay Engr So, nagpulong sila kasama ang Chinese ambassador at tinalakay ang kakulangan ng supply ng pataba na dumarating sa bansa mula sa China dahil umaangkat na rin sila sa Malaysia.

--Ads--

Mataas ang presyo ng abono sa Malaysia kaya nagpasya ang China na limitahan ang pagbebenta ng fertilizer sa ibang bansa para matustusan ang pangangailangan sa kanilang bansa.

Tutol aniya ang DA sa mungkahi na ang pamahalaan na ang bumili ng abono sa ibang bansa dahil walang sapat na pondo.

Dahil dito ay ipinayo ni Engr. So sa mga magsasaka na gumamit ng organic fetilizer para bumaba ang kanilang gastusin sa pagtatanim ng palay at mais.

Bahagi ng pahayag ni Eng’r Rosendo So.