--Ads--

CAUAYAN CITY– Walang nakikitang suliranin sa supply o tustos ng petrolyo sa bansa ang Department of Energy (DOE).

Ayon sa DOE, may kanya-kaniyang established contract na ang bawat kumpanya ng langis at saan tinitiyak ang sapat na tustos ng petrolyo sa bansa.

Batay sa kanilang monitoring sa minimum inventory requirement nagpapanatili ng mga kumpanya ng langis ang supply ng langis o nakaimbak na langis na aabot pa sa 40 araw.

Ipinaliwanag ni Undersecretary Gerardo Erguiza, na hindi DOE ang nagdidikta ng presyo dahil may sariling guidelines ang mga kumpanya ng langis kung saan lingguhan ang pagpapalit ng presyo ng produktong petrolyo.

--Ads--

Samantala tiniyak ngayon ng DOE na nakahanda na ang kanilang tanggapan para sa nalalapit na halalan sa May 9, 2022..

Sa ngayon ay maayos ang daloy ng kanilang energy eeneration plan kung saan nagmumula ang tustos ng kuryente sa kanilang transmission lines patungo sa mga distribution lines ng mga kooperatiba.

Bagamat may bahagyang pagnipis ng tustos ng kuryente ay titiyakin nila na sapat ito hanggang sa araw ng halalan.

Bahagi ng pahayag ni DOE Undersecretary Gerardo Erguiza