
CAUAYAN CITY – Muling nararanasan ang krisis sa langis bukod sa mas mahal na ang presyo ng diesel ay wala pang supply.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Nene Sylvain, Pilipinang guro sa Haiti na maraming gasolinahan ang nagsara dahil wala nang maibenta na langis.
Noon ay may black market ngunit ngayon ay wala nang mapagbilhan.
Dati ang presyong isang gallon ng langis ay 2,000 gouds ngayon ay 3,000 gouds na.
Ayon kay Ginang Sylvain, walang magawa ang pamahalaan ng Haiti dahil sa kawalan ng supply ng langis.
Sinasabing kulang ng dolyar na pambili ang pamahalaan dahil walang turista na dumadalaw sa nasabing bansa bunsod ng suliranin sa seguridad.
Dahil sa kakulangan ng supply ng langis ay nagpoprotesta ang mga tsuper ng mga motorsiklo at transportasyon.
Marami rin ang nangangamba na mawalan ng trabaho.
Samantala, dahil sa kakulangan ng supply ng langis ay apektado rin ang overseas absentee voting sa Haiti.
Umaabot sa 98 ang mga overseas absentee voters sa nasabing bansa.










