--Ads--

CAUAYAN CITY – Puspusan ang paghahanda ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 2 para sa gaganaping casting of votes ng mga Person’s Deprived of Liberty (PDL’s)  sa May 9.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Senior Insp. Emerald Hombrebueno, chief community Relations Service section ng BJMP Region 2, sinabi niya na unang maglulunsad ang BJMP Region 2 ng dry run katuwang ang kanilang Operations Division maliban pa sa briefing at debriefieng sa bawat Jail Warden sa rehiyon.

Magkakaroon din ng verification sa finalist ng mga kuwalipikadong PDL na papayagang bumoto sa araw ng halalan dahil sa kasalukuyan ay nasa 900 PDL pa lamang ang nakarehistro sa COMELEC at inaasahang mababawasan pa sa araw ng halalan.

Magkakaroon ng onsite at outsite voting at may ilang BJMP facilities ang pinayagan na magsagawa ng botohan sa loob ng BJMP facility tulad ng Santiago City Female Dorm and Male dorm habang ang ilang hindi kabilang sa onsite voting ay boboto sa labas ng pasilidad na pangangasiwaan ng bawat election board.

--Ads--

May mga itatalaga ring BJMP personnel na magmomonitor sa mga PDL sa kasagsagan ng kanilang pagboto.

Ang bawat PDL ay papayagan lamang makaboto para sa mga posisyon ng Presidente, Bise presidente, Senator’s at Partylist.

Samantala, tinatayang nasa 31 BJMP personnel Regionwide ang nakiisa sa Local Absentee Voting noong April 28 na idinaos sa Tuguegarao City Jail Male Dormitory at karamihan sa mga Absentee voters ay mula sa probinsya ng Cagayan.