--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit ang pagbibigay ng mga pulis ng seguridad sa pagdedeliver ng F2 logistics sa mga vote counting machines (VCM) na gagamitin ng mga bayan at lunsod sa Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Amy Dela Cruz, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na 157 IPPO Personnel ang nagkaroon ng send off ceremony bilang karagdagang puwersa ng mga himpilan ng pulisya sa Isabela.

Sinabi niya na mayroon nang dinalang VCM sa mga bayan ng Santo Tomas, Santa Maria, Delfin Albano at Dinapigue.

Mayroon na ring naka-schedule na delivery ng  mga VCM sa mga bayan ng  Echague, Cordon, Alicia, Angadanan at San Guillermo.

--Ads--

Umaasa sila na sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay ng pulisya ay magiging tahimik at maayos ang pagdaraos ng National and Local Elections.

Kasalukuyan na ring nagbibigay ng seguridad ang mga pulis sa  deployment ng 1,757 Vote Counting Machines.

Isasagawa ang final sealing and testing sa mga VCM sa ika-5 at ika-6 ng Mayo.

Matapos nito ay ikakandado na ang VCM at titiyaking wala nang makakapagbukas.

Mahigpit namang babantayan ang mga VCM at mga election paraphernalia na gagamitin sa halalan sa May 9.