--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang guro sa Malapat, Cordon, Isabela dahil sa pagbebenta umano ng iligal na droga.

Ang suspek ay si Drepol Palpallatoc, 38 anyos, may asawa, guro at residente ng Cordon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, sa pagtutulungan ng Cordon Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit Isabela Police Provincial Office (PDEU-IPPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ay isinagawa ang drug buy-bust operation laban sa pinaghihinalaan.

Nabili ng isang ahente ng PDEA ang isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P/5,000 at nakuha rin sa suspek ang isang cellphone at motorsiklo.

--Ads--

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa pangangalaga ng Cordon Police Station.

Samantala, itinanggi ng suspek ang pagbebenta ng iligal na droga at sinabing bigla na lamang siyang kinuha at binugbog ng mga nakasibilyang lalaki.

Iginiit niya matagal na niyang tinalikuran ang iligal na droga.