
CAUAYAN CITY– Labing-apat ang na-trap,39 pa ang nawawala habang 9 ang nakaligtas at nasa ospital sa pagguho ng isang walong palapag na gusali dahil sa naganap na lindol sa China.
Patuloy ang retrieval operation sa mga na-trap sa loob ng gusali.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro, OFW sa China at tubong Angadanan, Isabela na marami ang mga sundalo, pulis at iba pang grupo na nagsasagawa ng search and rescue operation sa mga na-trap sa gumuhong gusali.
Tiwala ang mga rescue teams na may makukuha pang buhay.
Huling nakuha ang isang babae na nagsabing may mga narinig siyang boses sa ilalim ng gumuhong gusali.
4.7 magnitude na lindol ang naranasan sa lugar na nagbunga ng pagguho ng walong palapag na gusali na itinayo noong 2012.










