
CAUAYAN CITY– Nakikipag-ugnayan na ang binuong Power Task Force ng NGCP sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at iba’t ibang stakeholders upang matiyak na maging matagumpay ang kanilang contingency plan sa gaganaping May 9, 2022 national and local elections.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Communications Lead Ernest Vidal ng National Grid Corporation of the Phils. na bahagi ng kanilang paghahanda na tiyakin na dalawang linggo hanggang isang linggo bago ang halalan ay maging maayos na at wala silang ipapatupad na mga maintenance works sa mga pasilidad ng NGCP, Sub-Stations at sa kanilang transmission lines.
Bahagi anya ng kanilang contingency plan na tiyakin na ang mga members ng crtitical in needs sa sub-stations hanggang command centers ay available at naka-duty 24/7 sa araw ng halalan.
I-aactivate na nila ang kanilang command center sa araw ng Linggo para mamonitor ang lahat ng pasilidad ng NCGP at kanilang mga Sub-Station at transmission lines.
Inihayag pa ni Ginoong Vidal na ang makakapagsabi kung sapat o hindi ang supply ng enerhiya ay ang Kagawaran ng Enerhiya o DOE .
Habang ang tungkulin ng NGCP tiyakin na maayos ang linya na dadaanan o dadaluyan ng kuryente .
Ngunit ang kanilang NGCP System Operator ay mayroong data kung ano ang available capacity o magiging available reserve sa NGCP grid.
Hanggang kaninang alas sais ng umaga, batay sa kanilang Power Situation Outlook ang System Capacity ay 14,000 megawatts at ang system Peak o pinakamataas na demand para sa Luzon ngayong araw ay 11,000 megawatts na maituturing na sapat ang supply ng kuryente.










