
CAUAYAN CITY – Aabot sa 87 volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Cauayan City ang magbabantay sa halalan sa lunes na maitatalaga sa iba’t ibang barangay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PPCRV Coordinator Gina Oreña ng Our Lady of the Pilar Parish na ang kanilang 87 volunteers ay mula sa Parokya ng Our Lady of The Pilar bukod pa sa mga volunteer ng San Luis na mga kabataan.
Sinabi ni Oreña na pangunahin nilang tututukan ang Cauayan South Central School, San Fermin at District 1.
Natapos na rin ang pamimigay nila ng mga election paraphernalia at T-shirt sa kanilang mga volunteers.
Ngayong umaga ay magkakaroon ng final testing and sealing sa mga Vote Counting Machines (VCM) na kanilang dadaluhan.
Titiyakin din nilang magiging patas ang gaganaping halalan at titiyaking walang dayaang mangyayari.










