--Ads--

CAUAYAN CITY – Iniimbestigahan na ng Jones Police Station ang kumakalat na sulat o leaflets na hinihinalang mula sa makakaliwang grupo na may mga alegasyon ng vote buying ng mga kandidato sa Jones, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Rdyo Cauayan kay PMaj. Felixberto Lelina, Acting Chief of Police ng Jones Police Station, kanyang sinabi na patuloy ang kanilang berepikasyon at imbestigasyon kung kanino galing ang nasabing kumakalat na leaflets.

Nagbabala si PMaj. Lelina na maaaring makasuhan ang mga nagpapakalat nito.

Tiniyak naman niyang walang nangyayarinig vote buying sa bayan ng Jones.

--Ads--

Maituturing na areas of concern ang bayan ng Jones matapos ang mga nangyating kaguluhan noong nakalipas na eleksyon kaya mahigpit ang pagbabantay ng PNP at AFP upang matiyak ang kaayusan ngayong halalan.

Samantala, kahapon ay naideliver na ang mga Vote Counting Machines (VCM) na gagamitin sa halalan sa Jones, Isabela at idineliver na rin sa iba’t ibang polling precinct sa mga barangay.

Ayon kay PMaj. Lelina naging maaayos ang distribusyon ng mga VCM dahil mahigpit itong binantayan ng mga pulis at konsehal ng Jones, Isabela hanggang sa mga polling precincts.