
CAUAYAN CITY– Muling nabuhay ang negosyo ng mga nagtitinda ng bulaklak ngayong Mother’s Day ngayong araw.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Jojit Ramos, may-ari ng flowershop sa Cauayan City na dalawang araw bago ang pagdiriwang ng Mother’s Day ay mayroon nang nagpa-reserve sa kanilang shop.
Mabenta ngayon ang flower bouquet na nagkakahalaga ng Php500.00 hanggang Php800.00.
Kadalasang bumibili ng mga bulaklak ay panregalo sa kanilang magbahay.
May pagtaas din anya sa presyo ng mga bulaklak katulad ng Valentines Day na doble ang pagtaas.
Ang dating presyo ng Rosas na mula sa Php35.00 ang kada piraso ay umaabot na ngayon sa Php60.00.
Tumaas din anya ang presyo ng mga bulaklak na kanilang binibili sa Dangwa o Lunsod ng Baguio.
Inaasahan namang babalik sa dating presyo ang mga bulaklak pagkatapos ng Mother’s Day.










