--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiniling ng Kontra Daya sa COMELEC na palawigin pa ang voting hours upang makaboto ang lahat ng mga botante.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Professor Danilo Arao, convenor ng Kontra Daya na humaba ang pila ng mga botante dahil sa pandemya.

Ito ang dahilan kung bakit hinihiling nilang pahabain ang voting hour dahil mayroon pang mga botanteng tiyak na makapila. 

Ang kahilingan ng extension ng voting hours ay dahil mayroon ding mga voting precinct ang hindi nagbukas ng tamang oras.

--Ads--

Samantala, binatikos ng Kontra daya ang ang ginagawa ng AFP na pag-red tag sa ilang katao at patylist group na hindi katanggap-tanggap.

Myaroon na ring  ginagawang Black propaganda laban sa mga partylist group at ilang kandidato na ang logong ginagamit ay ang logo ng COMELEC.

Dapat aniyang kondenahin ito ng COMELEC dahil nagagamit sila.

Ayon kay Arao ang trabaho ng AFP ay pangalagaan ang katahimikan sa halalan at hindi para magred tag o magpakalat ng fake news laban sa isang partylist group at isang senador.