--Ads--

CAUAYAN CITY – Lalong lumalala ang mga karahasan na dulot ng mga kilos protesta sa Sri Lanka.

Umabot na sa isang buwan ang kilos protesta at nagkaroon ng kaguluhan nang umeksena ang mga grupo na tagasuporta ni Prime Minister Mahinda Rajapaksa.

May mga namatay at nasugatan sa naganap na sagupaan nang sumugod ang mga tagasuporta ni Mahinda na may dalang pamalo.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jenny Verdillo na umabot sa siyam ang nasawi habang 200 ang mga nasugatan.

--Ads--

Sinabi niya na sa mga susunod na linggo ay may mga OFW na uuwi dahil nangangamba na sila sa sitwasyon sa Sri Lanka bunsod ng mga kilos protesta.

Maraming bahay kalakal ang nagsara dahil sa mga kagulhan.

Ang mga OFW na nakapag-asawa sa Sri Lanka ay wala munang balak na umuwi sa Pilipinas dahil naroon ang kanilang pamilya.

Bahagi ng pahayag ni Bombo International News Correspondent Jenny Verdillo