--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumanggap ng tulong pananalapi mula sa Commission on Human Rights (CHR) Region 2 ang isang dating New Peoples Army (NPA) child warrior.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Capt. Rigor Pamittan, Division Public Affairs Office (DPAO) chief ng 5th Infantry Division Philippine Army na nagpapatuloy ang programa ng CHR Region 2 na pagbibigay ng pinansyal na tulong lalo na sa mga NPA child warriors o ang mga NPA na narecruit noong menor de edad pa lamang sila.

Aniya, P10,000 ang natanggap na tulong ni alias Rasib sa mismong himpilan ng 5ID sa Division training school dahil candidate soldier na siya ngayon.

Ayon kay Capt. Pamittan, sa sektor ng mga kabataan pangunahing nanggagaling ang mga narerecruit na NPA sa ngayon dahil sinasamantala nila ang mga isyu ng mga kabataan.

--Ads--

Nagpapasalamat naman ang AFP dahil sa tulong ng iba’t ibang ahensya ay napipigilan ang panlilinlang ng mga NPA sa mga kabataan.