--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 43,000 bags ng mga  inbred seeds na galing sa PhilRice ang kasalukuyang ipinapamahagi sa mga magsasaka sa lalawigan ng Quirino at Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni RCEF Focal Person Andres Dela Cruz ng PhilRice Region 2 na aabot sa 11,608 bags ng mga binhi ang naibigay na sa Quirino at 31,830 bags sa Nueva Vizcaya.

Sinabi ni Dela Cruz na puntirya nilang matapos ang pamamahagi ng inbred seeds sa kalagitnaan ng Hunyo para kaagad na  makapagtanim ang mga magsasaka at hindi maabutan ng panahon ng bagyo.

Mayroon ding mga magsasaka sa ilang bayan ng Quirino ang walang patubig ngunit nagpapatayo na sila ng kanilang shallow tube wells o bombahan.

--Ads--

Sa Nueva Vizcaya ay walang suliranin sa tubig kaya tuloy-tuloy ang kanilang pagtatanim.

Sa katunayan noong unang linggo pa ng Abril ay nagbahagi na sila ng mga inbred seed sa mga magsasaka sa mga bayan ng Aritao, Bagabag, Solano at Villa Verde sa Nueva Vizcaya.

Sa lalawigan ng Quirino ay mayroon pang mahigit 20,000 bags ng inbred seed ang nakahanda nang ipamahagi sa mga magsasaka.