
CAUAYAN CITY – Itinuring ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dagdag na social protection ang pagtaas ng buwanang kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Allan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP na hindi lamang mga manggagawa ang makikinabang sa healthcare benefits kundi maging ag kanilang pamilya pangunahin ang kanilang mga dependents.
Ayon kay Ginoong Tanjusay, sang-ayon sila tutol sa dagdag na buwanang kontribusyon sa PhilHealth.
Hiling niya sa pamunuan ng ahensiya na ayusin ang serbisyo sa pangangasiwa ng pondo at obligasyon sa mga ospital.
Dapat aniyang gumamit na rin ng digital technology at magkaroon na ang mga miyembro PhilHealth electronic card para sa mas mabilis na serbisyo ng ahensiya
Ayon kay Ginoong Tanjusay, dapat palakasin din ng PhilHealth ang serbisyo hind lamang sa mga manggagawa sa bansa kundi sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).




