--Ads--

CAUAYAN CITY– Tuloy tuloy ang pagbili ng National Food Authority (NFA) region 2 ng mga palay sa mga magsasaka sa rehiyon at maari silang bumili ng hanggang tatlong milyong bags ng palay.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Asst. Regional Manager Emerson Ravilas ng NFA region 2 na 1.2 million bags ng palay na ang kanilang nabili sa buong rehiyon dos.

Noon anyang nakaraang taon ang NFA region 2 ang highest performance na may pinakamaraming nabiling palay sa mga magsasaka sa buong bansa.

Sinabi pa ni Asst. Regional Manager Ravilas na tuloy tuloy ang kanilang pagbili ng mga palay hanggat mayroon silang nabibili mula sa mga magsasaka.

--Ads--

Maari anyang bumili ang NFA region 2 ng hanggang 3 million bags ng palay ngayong taon.

Noong nakaraang linggo ay bumili ang pamahalaan panlalawigan ng mahigit sampong libong bags para sa mga ayudang ibibigay.

Bumibili din anya sa kanila ang DSWD para magamit sa kanilang feeding program.

Maging ang BJMP at mga hospital ay tinutustusan ng NFA region 2 ng bigas.

Bukod dito ay nagpapadala rin sila ng 10,000 bags weekly sa National Capital Region (NCR) upang matustusan ang kanilang buffer stock.

Bahagi ng pahayag ni Asst. Regional Manager Emerson Ravilas