
CAUAYAN CITY– Bibigyan ng pagkilala ang dalawang kasapi ng Villaverde Police Station sa Nueva Vizcaya na nagkataong nagpaanak ng isang Ginang sa kanilang himpilan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan naging instant komadrona ang Pulis Villaverde na sina Patrolman Jardin Paulo Galima at Police Corporal Kennent Cabanilla.
Madaling araw nang makaramdam ng paghilab sa tiyan ang isang Ginang na noon ay kabuwanan na kaya sumakay siya sa tricycle at dumiretso sila sa himpilan ng pulisya upang sana ay magpatulong na ihatid sa pagamutan.
Ngunit nagkataon na oras na para manganak si Ginang Reynaleth Quaquin kayat tinulungan na ng dalawang pulis.
Ligtas namang ipinanganak ng Ginang ang sanggol sa pinaanak ni Patrolman Galima na isa palang registered nurse at may karanasan na sa pagpapaanak sa tulong ni Patrolman Cabanilla.
Matapos manganak ay dinala na sa Birthing clinic ang ginang at baby nito para kaagad maasikaso at nakauwi na sa kanilang tahanan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kina Patrolman Galima at PCorporal Cabanilla na bilang public servant ay kinakailangan nilang tulungan ang ginang
Natutuwa aniya sila dahil may natulungan at naisalbang buhay na lubos namang ipinagpapasalamat ng Ginang
Pinangalanan ni ginang Quaquin ang kanyang bayby girl na si Giselle Blythe (Blayt) na pangalawa na niyang anak.










