--Ads--

CAUAYAN CITY– Kinakailangang tuloy tuloy ang pagkakaloob ng tulong sa mga magsasaka upang magkaroon ng sapat na local production ng bigas sa bansa at maiwasan ang pinangangambahang magkaroon ng food crisis.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Rosendo So, Pangulo ng SINAG na walang food crisis sa bansa dahil tuloy tuloy ang production ng palay maging ng mga gulay at isda sa bansa

Simula na rin ang pagtatanim ng mga magsasaka.

Sinabi ni Engineer So na dapat na pagtuunan ng pansin ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA ang pagkakaroon ng maraming local production at hindi ang pag-import ng bigas dahil tumataas na rin ang presyo ng mga imported na bigas

--Ads--

Dapat anyang tulungan ang mga magsasaka upang gumanda ang production ng palay at mais at magkaroon ng sapat na pagkain sa bansa.

Panahon na anya para matulungan ang mga magsasaka upang maengganyo silang magsaka para makamit ang food security sa bansa.

Kapag magkaroon anya ng maraming produksiyon ang mga magsasaka sa susunod na taon at dapat ding tuloy tuloy ang ipinagkakaloob sa kanilang seed subsidy .

Dapat din anya gumamit ng combination ng organic at inorganic na pataba upang mabawasan ang cost of production ng mga magkakasa

Mahalaga rin anya ang isinasagawang pag-aaral at ang paggamit ng mga high yield na binhi na itatanim ng mga magsasaka.

Bahagi ng pahayag ni Engineer Rosendo So, SINAG President