--Ads--

CAUAYAN CITY- Masusing minomonitor ng gobyerno ng naturang bansa ang monkeypox na kumakalat ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sinabi ni Bombo International News Correspondent Eva Tinaza na nasa higit sampo na ang naitalang tinamaan ng monkeypox sa Madrid na capital ng Spain.

Isa sa nakikitang dahilan kaya may mga nahawaan sa naturang bansa ay dahil bukas na ito sa ibang bansa.

Bagamat kaunti pa lang ay masusi itong minomonitor ng gobyerno at tinitingnang mabuti kung ano talaga ang sakit na ito lalo na at mas mabilis umano itong maihawa.

--Ads--

Sa kabila naman ng pagkakatala ng mga kaso ng monkeypox sa Spain ay wala pa namang ipinapatupad na paghihigpit lalo na at parating na ang bakasyon sa naturang bansa at marami ng turista.

Nabibigla naman ang iba dahil hindi pa man natatapos ang COVID-19 ay mayroon nanamang ibang sakit na kumakalat.

Bahagi ng pahayag ni Bombo International News Correspondent