--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang pamamahagi ng financial assistance sa mga rice farmers at fuel discount voucher sa mga corn farmers.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 na sinimulan nila ang pamamahagi ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) noong Biyernes sa Cagayan.

Sa Cagayan ay may 58,552 na benepisaryong magsasaka o katumbas ng P292,760,000.

Sa Isabela naman ay may 62,234 na magsasaka o P311,170,000 habang sa Nueva Vizcaya ay may 24,403 na magsasaka o P123,015,000.

--Ads--

Sa Quirino naman ay may 12,981 na magsasaka o P64,905,000 at sa Batanes ay may 114 na magsasaka o katumbas ng P570,000.

Ayon kay Regional Executive Director Edillo, naudlot ang pamamahagi ng RFFA dahil sa halalan pero ngayon ay tuloy-tuloy na.

Samantala, ang fuel discount voucher naman na para sa mga corn farmers at mangingisda na may makinarya ay may 6,274 na benepisaryo sa Cagayan na katumbas ng P19,763,100.

Sa Isabela ay may 8,632 na magsasaka o P27,190,800 habang sa Nueva Vizcaya ay may 701 na benepisaryo o P2,208,150 at sa Quirino ay may 1,204 na magsasaka o P3,792600.

Ayon kay Regional Executive Director Edillo, ang RFFA ay cash na matatanggap ng mga benepisaryo habang ang fuel discount voucher ay may card ang mga napili at ipapadiscount nila ito sa mga accredited na gasoline station.

Nagkakahalaga ng P3,000 ang fuel discount voucher at puwede nila itong unti-untiin na ipadiscount.

Nilinaw naman ni Regional Executive Director Edillo na ang mga benepisaryo ay local government unit (LGU) ang nag-identify na dapat ay miyembro ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at dalawang ektarya pababa ang sinasaka.