
CAUAYAN CITY-Laman ng ihahaing transport agenda ng PISTON para sa susunod na administrasiyon ang kanilang kahilingan na ibalik ang dating Php10.00 minimum fare sa mga jeepney sa NCR at ang tuluyan ng pagbasura o pagsuspinde sa oil deregulation act.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PISTON Chairman Mody Floranda, sinabi niya na maaaring kumita ng karagdagang Php200.00 ang mga namamasadang tsuper ng jeepney kung ibabalik ng pamahalaan at LTFRB ang ten peso minimum fare sa mga transport jeepney sa NCR.
Ayon kay PISTON chairman Floranda mainam itong gawin kaysa hilingin ang muling pagtaas ng pamasahe na mas lalong magtutulak sa mga mananakay na tangkilikin ang libreng sakay na programa ng LTFRB na nagiging kakumpetensiya na ng mga regular na namamasadang jeep.










