CAUAYAN CITY– Kinumpirma ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang pagtaas sa bilang ng mga kasapi ng New Peoples Army (NPA) na sumusuko sa Pamahalaan at mga awtoridad bunga ng pagkakatatag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC).
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,ibinahagi ni PMajor Orlando Tacio, tagapagsalita ng NVPPO ang pagtaas sa bilang ng mga sumusukong NPA o CTG members.
Ayon kay PMajor Tacio, tuloy tuloy ang pagsuko ng mga rebelde dahil sa mga programa at kapakinabangan na nakapaloob sa NTF ELCAC na nakakatulong upang magkaroon ng bagong panimula ang mga sumusukong rebelde kasama ang kanilang pamilya.
Ilan sa mga lalawigan na malapit sa Nueva Vizcaya tulad ng Pangasinan, Nueva Ecija, Benguet at Ifugao ay nagtatala na rin ng mga pagsuko sa pamahalaan ng mga rebelde
Iba’t-ibang ahensya ang nakikipagtulungan sa NTF-ELCAC tulad DILG, DOLE, DTI at TESDA upang mabigyan ng buhay na matiwasay at tahimik ang mga sumukong rebelde.




