--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na may pagtaas ang mga naitatalang kaso ng panggagahasa sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, binalaan ni PMaj. Amy Dela Cruz, tagapagsalita ng IPPO ang mga pinaghihinalaan sa kasong panggagahasa na mahaharap sila sa mabigat na parusang Reclusion Perpetua.

Sinabi ni Maj. Dela Cruz na isa sa kanilang tinututukan ngayon ang mga kaso ng rape.

Pinaalalahanan niya ang mga kabataang kababaihan na umiwas makipag-inuman kahit sa mga kaibigang lalaki dahil kapag nasa impluwensiya na ng nakalalasing na inumin ay wala nang kakayahang makapanlaban.

--Ads--

Ayon kay Maj. Dela Cruz, nakakalungkot na mayroon silang naitatalang kasong rape na mismong ama ang pinaghihinalaang nanggahasa sa kanilang anak.

Nilinaw naman niya na masasampahan pa rin ng statutory rape ang pinaghihinalaan kahit pumayag ang mga biktimang 15-anyos pababa.