--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa  pagbabantay hanggang sa tuluyang manungkulan  ang mga nanalong kandidato sa katatapos na National at Local Elections.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Amy Dela Cruz, tagapagsalita ng IPPO na tuloy-tuloy ang kanilang pagbabantay hanggang sa uupo ang mga bagong halal na opisyal sa unang araw ng July, 2022.

Naka-full alert pa rin ang hanay ng pulisya at mahigpit nilang minomonitor ang mga nagsasagawa ng protest rally at titiyakin pa rin nilang mapayapa itong maisagawa.

Nanawagan siya sa mga nagsasagawa ng kilos protesta na bigyan ng pagkakataon ang mga bagong halal na opisyal ng pamahalaan na magsilbi dahil ibinoto sila ng nakakaraming botante.

--Ads--

Samantala, inihayag pa ni PMaj. Dela Cruz na hindi pa rin lifted ang gunban at ipinapatupad ito hanggang June 8 kaya binalaan niya ang mga magbibitbit ng mga baril na walang kapahintulutan mula sa COMELEC na maharap sa kaukulang kaso.