--Ads--

CAUAYAN CITY– inaresto ng mga kasapi ng Alfonso Lista police Station ang isang senior citizen na nahaharap sa kasong rape.
Ayon kay PStaff Sgt. Shaina Mae Galingan, ang inaresto ay si Benjamin, 65 anyos habang ang biktima ay kanyang kapitbahay .
Ayon sa pulisya 13 anyos lamang ang biktima ng maganap ang krimen noong nakaraang taon at ngayon lamang lumabas ang warrant of arrest ng akusado na isinilbi ng mga otoridad.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado at naipasakamay na sa BJMP Alfonso Lista, Ifugao
--Ads--










