--Ads--

CAUAYAN CITY– Sinampahan na ng kasong paglabag sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang 3 katao na inaresto ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Cagayan Provincial Drug Enforcement Unit, Cagayan Provincial Police Office at Tabuk City Police Station sa isinagawang operasyon noong May 28, 2022 sa isang drug den sa Purok 6, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.

Ang mga inaresto ay sina Jocel Bayle Gunnawa, 43 anyos, Job order employee, residente ng Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga; Lino Bunas Gud-ay, 50 anyos, residente ng Malinawa, Tabuk City, Kalinga; at Crisma , 32 anyos at residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Louella Tomas, Information Officer ng PDEA region 2 na nagkaroon ng buy bust operation laban kay Jocel Gunnawa matapos makipag-transaksyon sa pusher buyer.

Napagkasunduan na kukunin ang droga sa bahay ni Gunnawa at pagdating ng pusher buyer ay nadatnan pa ang dalawang drug personalities na sina Gud-ay at Crisma na kasalukuyang gumagamit ng illegal na droga.

--Ads--

Natuklasan na ang bahay ni Gunnawa ay nagsisilbing lugar kung saan nagaganap ang bentahan ng droga at doon na rin gumagamit na droga ang kanyang mga parokyano .

unang nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na kanilang ibinenta sa operatiba ng PDEA.

Matapos kapkapan at siyasatin ang mga pinaghihinalaan tatlo pang heat-sealed plastic sachet ang nakuha sa pag-iingat ng mga suspek, ilan pang kagamitan sa paggamit ng ilegal na droga, mga supot ng ginamit ng shabu, apat na cellphone, at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Sa kabuuan, aabot sa may 10.5 na gramo ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P71,000 ang nasamsam mula sa mga suspect.

Bahagi ng pahayag ni Louella Tomas, Information Officer ng PDEA region 2