--Ads--

CAUAYAN CITY – Mapanganib sa mga may chronic illness at cancer ang monkey pox ngunit sa mga may maganda ang kalusugan ay maituturing lamang na ordinaryong sakit.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Mel Lazaro na hindi tayo dapat mabahala sa Monkey Pox virus dahil ka-level lamang nito ang ChickenPox at tigdas na karaniwang sakit sa bansa.

Inihayag ni Dr. Lazaro na kapag maganda ang kalusugan at immune system ay tiyak na gagaling ang kakapitan ng naturang sakit.

Nilinaw pa ni Dr, Lazaro na ang Monkeypox ay delikado sa mga mayroong Chronic illnesses tulad ng may cancer at sumasailalim sa dialysis dahil maari nila itong ikamatay.

--Ads--

Sinabi pa ni Dr. Lazaro na ang mga westerners ay takot na makapitan ng Monkey Pox, Chickenpox at Tigdas dahil bihira ito sa kanila samantalang dito sa Pilipinas ay mayroong nagkakasakit ng bulutong tubig o tigdas na hindi naman ginagamot kundi kusang gumagaling basta ipahinga.

Ang pagbabakuna anya ng small Pox ay itinigil na sa buong mundo ngunit dahil sa Monkeypox ay maari itong ibalik.

Noong nagkaroon ng pandemya ay na-challenge ang immune system ng mga tao at maaring mayroong dormant virus na nakatago sa isang hayup o tao na bumagsak ang resistansiya kaya naging aktibo at tinawag na monkeyPox na kahawig ng smallpox.

Ang sintomas anya ng Monkeypox, smallpox at Chickenpox ay magkakapareho tulad ng pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng ulo at  pananakit ng katawan sa loob ng isa hanggang dalawang araw bago lumabas ang mga pantal sa katawan.