--Ads--

CAUAYAN CITY – Ibinabala ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang posibleng pagtaas ng presyo ng lokal at imported na bigas sa pandaigdigang pamilihan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engr. Rosendo So, chairman ng SINAG na bahagyang may pagtaas sa presyo ng mga imported na bigas sa Vietnam at Thailand gayundin na tumaas ang presyo ng lokal na palay.

Aniya, posibleng dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas ay ang mataas na presyo ng farm inputs pangunahin na ang mga gumagamit ng commercial at organic fertilizer.

Kailangan aniya na mas suportahan ng pamahalan ang presyo ng palay upang mas ma-engganyo pa ang mga magsasaka na magtanim.

--Ads--

Iminumungkahi rin nila ang paggamit ng pinaghalong organic at commercial fetilizer sa mga pananim na palay upang mapababa ang production cost habang tinitiyak ang magandang ani.