--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot lamang sa siyamnapong bahagdan ang nakapaghain ng Statement of Contribution and Expenditures o SOCE sa mga kumandidato noong nakaraang halalan sa ikalawang rehiyon na nagtapos noong  Miyerkoles, ikawalo ng Hunyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Atty. Jerbee Cortez, Assistant Regional Director ng COMELEC Region 2 at election officer ng COMELEC Cauayan City na batay sa kanilang pagtaya, nasa siyamnapong bahagdan lamang ng mga kandidato ang nakapaghain ng SOCE sa  buong rehiyon.

Dito sa lunsod ng Cauayan ay may isang kandidato sa pagka-sangguniang panlunsod member ang hindi nakapaghain ng SOCE.

Sa mga hindi pa nakapaghain pagkatapos ng deadline ay puwede pa silang maghain ngunit sa Maynila na.

--Ads--

Mayroon na silang adiministrative penalty na nasa sampong libong piso hanggang apatnapung libong piso depende sa posisyon na kanilang tinakbuhan.

Sa mga nanalo naman na hindi nakapaghain ng SOCE ay hindi makakaupo sa puwesto.

Gayunman, kung hindi nakatugon  sa deadline ay puwede pang maghain ng SOCE ngunit mayroon nang administrative penalty.

Samantala, kahapon ay huling araw na ng election period kaya nagtapos rin ang pagpapatupad ng gun ban.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Jerbee Cortez.