--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagluluksa ang pamahalaang bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya sa pagkasawi ng isang kasapi ng Sangguniang Bayan matapos mahulog sa sapa ang minamamehong Toyota Fortuner.

Ang biktima ay si SB Member  Alfredo Tucpi II, 49-anyos,  at residente ng Poblacion, Kasibu.

Siya ay nahalal noong nakaraang eleksiyon para sa ikatlong termino.

Pauwi na si SB Member Tucpi  sa kanilang bahay mula sa Aritao, Nueva Vizcaya nang  mahulog ang minamanehong sasakyan sa tulay sa Barangay Bua dakong alas-12:30 ng hatinggabi ng June 10, 2022.

Bumaligtad  ang sasakyan matapos mahulog sa sapa at pinasok ng tubig.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSg. Jefrey Binwag, investigator ng Kasibu Police Station, sinabi niya na isang  binatilyo ang nakakita  sa  SUV na nakabaligtad sa creek .

Ipinabatid niya ito sa kaniyang ina na gumawa ng paraan para maiparating sa mga otoridad.

Isinugod si SB Member Tucpi sa Kasibu Municipal Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Agad namang inihayag  ng pamahalaang lokal ng Kasibu ang padadalamhati sa pagkamatay ni SB Member Tucpi.