--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaabot ng pakikiramay si Governor Carlos Padilla sa pamilya ni Sangguniang Bayan Member Alfredo Tucpi II na nasawi matapos mahulog sa sapa ang kanyang minamanehong Toyota Fortuner alas dose ng hatinggabi noong Biyernes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Carlos Padilla, sinabi niya na patuloy na inaalam ng pamahalaang panlalawigan ang tunay na nangyari sa pagkahulog sapa ng sasakyan ni SB Member  Tucpi.

Nagwagi si Tucpi noong nakaraang halalan para sa kanyang ikatlong  termino.

Ayon kay Gov.Padilla, ang Nationalista Party na kinabibilangan ng nasawing konsehal ang magrerekomenda ng kanyang  magiging kapalit.

--Ads--
Ang bahagi ng pahayag ni Governor Carlos Padilla.

Samantala, sa  naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSgt. Jefrey Binwag, imbestigador ng Kasibu Police Station, sinabi niya pauwi si SB Member Tucpi mula sa bayan ng Aritao nang mahulog sa tulay ang minamanehong SUV.

Isang binatilyo ang nakakita sa sasakyan na nakabaligtad sa sapa at agad  nagbigay ng impormasiyon sa kanilang himpilan.

Naisugod  pa sa Kasibu Municipal Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival.

Batay sa doktor, pagkalunod ang ikinasawi ni SB Member Alfredo Tucpi.