--Ads--

CAUAYAN CITY – Dapat maaresto ang mga sangkot sa illegal logging sa mga kabundukan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor  Rodito Albano na dapat ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang humuli sa mga kanila para maipakulong.

Nakakulong na aniya ang mga sumunog noon sa kagubatan sa Lunsod ng Ilagan na tinaniman ng mga daang libong seedlings.

Ayon kay Gov. Albano, ang parusa niya sa kanila ay magtanim ng mga punong kahoy at palitan ang kanilang mga sinunog.

--Ads--

GumantI aniya ang mga illegal loggers dahil nahuli ang mga pinutol nilang kahoy.

Samantala, hinggil sa malaking pagguho ng lupa bahagi ng Sierra Madre Mountains na bahagi ng Isabela, sinabi ni Gov. Albano na responsibilidad ito ng pamahalaang lokal at dapat nakaikipag-ugnayan sa kanila ang DENR  at wala  ring sinasabi sa kanya ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO).

Hindi naman aniya talamak ng illegal logging sa Isabela at agad niyang ipinapa-imbestiga kapag may bulldozer na pumapasok sa kabundukan.

Sa bandang South  ay may mga pinuputol  na kahoy dahil sa mga ginagawang bahay at istraktura.

Sinabi pa ng punonglalawigan na dapat pag-aralan kung paano mabalanse ang reforestration at pamumutol ng mga punong kahoy.

Hiniling niya sa publiko na isumbong sa kanya kung may alam na opisyal na sangkot sa illegal logging

Mensahe niya sa mga sangkot sa labag sa batas na naumumutol ng mga punong kahoy na itigil na dahil papatawan sila ng parusa kapag sila ay nahuli.

Binanggit ni Gov. Albano na sa ipinatigil niya ang sahod ng 100 na kasapi ng binuong task force sa San Antonio, Lunsod ng Ilagan bago pa ang halalan  dahil hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin at wala namang inirereport sa kanya na llegal logging.