
CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Assesment Team ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) region 2 na natural phenomenon ang naganap na pagguho ng lupa sa tuktok ng Sierra Madre Mountain Range sa Quirino Province.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Gwendolyn Bambalan ng DENR region 2, sinabi niya na bumuo sila ng Assessment Team matapos nilang matanggap ang report hinggil sa kumalat na larawan ng pagguho ng lupa sa bahagi ng Sierra Madre Mountain range ay gumawa sila ng kauk
Narating ng ipinadalang team ng DENR region 2 ang bahagi ng bundok na 3,000 ft. above sea level.
Nakita sa lugar na may dumadaloy na tubig mula sa tuktok ng bundok na ayon sa kanila ay isa lamang uri ng natural phenomenon na dulot ng mga pag-ulan.
Walang anumang nakitang iligal na aktibidad sa lugar tulad ng illegal logging at pagkakaingin.
Lumabas din sa assesment na ang eksaktong lokasyon ng pagguho ng lupa ay bahagi ng barangay Villa Gracia, Maddela, Quirino.
Hinihintay ng DENR region 2 ang kumpirmasyon mula sa Philippine Air Force (PAF) para sa nakatakdang paglipad ng kanilang team sa lugar para sa aerial viewing upang matukoy ang lawak ng pinsala ng pagguho ng lupa.




