--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroon nang persons of Interest ang  Special Investigation Task Force  o SITG na binuo ng Isabela Polic Provincial Office o IPPO para sa malalimang imbestigasyon sa pagkawala ni PSMS Antonino Agonoy, intelligence officer ng Cabatuan Police Station.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Radyo Cauayan kay PMaj Amy Dela Cruz, Public Information Officer ng IPPO, sinabi niya na may mga nagbigay ng salaysay na batayan para malaman ang tunay na nangyari kay Agonoy na nawawala simula noong June 3, 2022.

Noong June 2, 2022 ay nagtungo pa si Agonoy sa Police Regional Office 2 at noong June 3  ay  ipinatawag siya ng kanilang chief of police.

Mula sa nasabing araw ay hindi na siya  nakauwi at at hindi matawagan ang kanyang  cellphone.

--Ads--

Noong June 6, 2022 ay natagpuan ang kanyang  na ginamit na Yamaha Nmax 155 sa lugar malapit  Cauayan City Sports Complex.

Ayon kay PMaj Dela Cruz, sa isinagawang forensic processing ay natagpuan  ang isang  latent print sa motorsiklo at hinihintay na lang report para dagdag na batayan sa  pagsisiyasat ng STG.

Sa pagkuha ng CCTV footage sa mga lugar na dinaanan ni Agonoy ay huli siyang  nakita na sakay ng motorsiklo sa Cabatuan, Isabela.

Ayon kay PMaj Dela Cruz, maraming anggulo ang sinisiyasat sa  pagkawala ni Agonoy.  

Marami nang koordinasyon ang ginawa ng pamunuan ng IPPO para malutas ang kaso ng pagkawala ni PSMS Agonoy.

Ganito ang bahagi ng pahayag ni PMaj Amy Dela Cruz.