--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng Public Order and Safety Division (POSD) ang inagurasyon sa susunod na linggo ng mga nahalal na opisyal sa Cauayan City noong nakaraang halalan.

Sa naging naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na inaasahang daan-daang tao ang dadalo kasama ang pamilya at mga tagasuporta ng mga nahalal na mayor, vice mayor at mga kasapi ng Sangguniang Panlunsod sa gaganaping panunumpa at inagurasyon.

Sa ngayon ay wala pang pinal kung saan gaganapin ang event ngunit ang Isabela Convention Center at City Sports Complex sa pinagpipilian.

Aniya, hinihintay na lamang nila ang memorandum para sa pagpupulong kasama ang iba pang mga departamento ng pamahalaang lunsod.

--Ads--

Pag-uusapan nila kung saan ang pinakamagandang venue para lahat ay maprotektahan lalo na at hindi tiyak ang magiging lagay ng panahon sa araw ng inagurasyon.

Bagamat nakaantabay ang Cauayan City Police Station ay tutulong ang POSD sa pagpapatupad ng seguridad.

Tutukan din nila ang pagsusuot ng facemask kontra ng kaso ng Covid-19 maging sa usapin ng daloy ng trapiko.

Nanawagan si POSD chief Mallillin sa mga may balak dumalo sa inagurasyon na huwag nang magsama ng bata upang hindi mahirapan sakaling magkaroon ng siksikan.