--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasagawa ngayong araw ang KaTropa Program na may layong maisulong ang responsable at maayos na pagiging magulang.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Population Program Officer Joana Mercy Gabriel ng City Population Office Santiago, sinabi niya na ang isasagawang Kalalakihang Tapat Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya Orientation o KATROPA ay inaasahang lalahukan ng mga Kalalakihang kawani ng Pamahalaang lunsod.

Layunin ng programa na mahikayat ang nasa pitumpu’t limang kalalakihan na makiisa na nasa tamang edad, may kasama sa bahay, may pamilya at plano nang bumuo ng sariling pamilya.

Nakasentro ang programa sa obligasyon ng mga ama ng tahanan pangunahin na ang suporta sa mga katuwang sa buhay mula sa pagplano hanggang sa pagbuo ng pamilya para maiwasan ang Broken Family, pagpapalinang ng mga karapatan ng mga kababaihan at anak pangunahin na ang responsible parent hood at family planning.

--Ads--

Inaasahan namang maisasagawa rin ang programang ito sa mga Barangay dahil nabigyan na ng orientation ang mga kawani ng barangay at mga Tricycle Drivers.

Umaasa sila na sa pamamagitan ng programang ito ay magkakaroon ng mas maganda at maunlad na pamilya ang bawat mamamayan sa lunsod.

Ang bahagi ng pahayag ni Population Program Officer Joana Mercy Gabriel.