CAUAYAN CITY – Mahigit pitong daang titulo ng Lupa ang ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform at Department of Environment and Natural Resources Office sa mga magsasaka at ilang dating rebelde sa Lalawigan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya, labis ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng Land Titles na kaloob ng DAR at DENR sa mga dating rebelde at mga magsasaka sa Lalawigan na naitalang benepisyaryo ng nasabing kapakinabangan
Nasa 663 total Land Titles ang ipinagkaloob ng DENR sa mga nabanggit na katao habang nasa 109 Certificate of Land Ownership ang ipinamahagi ng DAR sa mga upland at Lowland Farmers at mga dating kasapi ng makakaliwang grupo na nagbalik loob sa pamahalaan.
Ang pamamahagi ng mga tinutulo ng lupa ay bahagi ng pagdiriwang ng ng Environment Month at anibersaryo sa pagkakatatag ng DENR at DAR.
Layunin ng pamamahagi ng titulo ay para magkaroon na ng karapatan ang mga magsasakang mag-may-ari ng mga sakahan na matagal na nilang pinagtataniman at makapagbigay ng bagong buhay sa mga dating rebelde.
Bahagi rin ng naturang programa ang pagsasagawa ng tree Planting Activity ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman na nilahukan naman ng ibat ibang ahensya ng Pamahalaan.
Nagkakahalaga naman ng tatlumpung milyong pisong ang Bridge Project sa Solano, Nueva Vizcaya na malaking tulong sa mga magsasaka upang mapadali ang pagbiyahe sa kanilang mga produkto.