CAUAYAN CITY – Naging magandang ang turnout of compliance ng mga bayan, Lunsod at barangay sa Isabela sa ipinatupad na “Todas Dengue Todo na ‘to, ika-siyam na kagat” na layuning mapkusa ang mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue .
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, tagapagsalita ng Provincial Gov’t. ng Isabela, sinabi niya na maraming LGU’s ang naglinis sa kani-kanilang area of responsibility.
Kapansin pansin ngayon ang dami ng mga basurang naalis o nalinis ng bawat LGU o barangay na palatandaan ng kanilang paglilinis sa mga kasuluksulukang lugar na maaaring pangitlugan ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.
Pangunahin rin sa mga nalinis ay Provincial capitol compound ay ang mga drainage canals kung saan pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang flushing upang malinisan.
Ito ay maliban pa sa ginawang pagbabawas sa sanga ng mga puno hindi lamang sa capitol compound gayundin sa mga barangay.
May mga fogging operations rin ang Provincial Government ng Isabela sa lahat ng mga lugar na nakapagtala ng mataas na kaso ng dengue sa pamamagitan ng indoor residual spraying.
Samantala, hinihimok ang bawat barangay na makiisa sa mga blood letting activities upang makalikom ng sapat na tustos ng dugo na magagamit kung sakaling kailangan ng mga dengue patients sa bawat munisipalidad.
Bukas rin ang malasakit center na maaaring sumagot sa mga pangangailangan ng mga pasyente.
Muli namang nilinaw ni Atty. Binag na hindi lamang sa araw na ito isasagawa ang clean up drive dahil magtutuloy tuloy ito sa panahon ng Tag-ulan mula buwan ng Hunyo hanggang setyembre upang matiyak na mapuksa ang mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok.
Naglabas na rin ng memorandum ang DILG provincial Director na nagmamando sa mga opisyal ng barangay at SK federation President na ipagpatuloy ang pag-lilinis.
Samantala, Umakyat na sa 1,494 ang naitalang kaso ng dengue sa Isabela mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Hunyo.
kabilang sa listahan Top ten cities / municipalities na may pinakamataas na kaso ng Dengue ang Ilagan City may 164 cases, bayan ng Gamu na may 101 cases, Cauayan City na may 100 cases,bayan ng Tumauini na may 97 cases, San mateo na may 96, Alicia na may 93, Jones na may 80, Roxas na may 62, San Mariano na may 52 at Cordon na may 41 cases.
Batay sa talaan ng Provincial Health Office bahagyang nakapagtala ng pagbaba ng kaso ngayong buwan ng Hunyo na may kabuuang 372 cases kumpara sa 463 cases noong buwan ng Mayo.
Nanatili namang zero case ng dengue ang mga bayan ng Dinapigue at Divilacan.