--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ng minor damage ang Office of Civil Defense (OCD) region 2 sa bahagi ng Aparri, Cagayan matapos ang pagtama ng 6.1 magnitude na lindol sa Calayan Island, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael Conag, Information Officer ng OCD region 2, sinabi niya na ang epicenter ng lindol sa Isla ng Calayan ay naitala sa lalim na 66 kilometers sa Dalupiri Island.

Isang bahay ang nagkaroon ng bitak sa  San Antonio, Aparri  at nasirang poste ng koryente dahil sa pagkabitak nito.

Ang pagkasira ay maaaring dulot ng  mga materyal na ginamit sa bahay at poste ng kuryente.

--Ads--

Naghihintay pa sila ng mga karagdagang ulat kung mayroon pang nasirang bahay at imprastraktura sa iba pang bahagi ng Aparri na ilang kilometro lamang ang layo sa Isla ng Calayan.

Nakikipag-ugnayan din ang OCD region 2 sa mga coastal towns na nakaranas ng intensity 4 pataas para malaman kung may mga naitalang pinsala.