CAUAYAN CITY – Dumami ang nagpaparehsitro sa tanggapan ng COMELEC kung ikumpara sa mga nakalipas na taon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Election Assistant 2 Roy Barangan ng COMELEC Cauayan City na mas marami ang nagpaparehistro ngayon kumpara noong mga nakaraang taon.
Umabot na sa isang daan dalawampu’t lima ang nagparehistro kahapon na karamihan ay ang mga boboto sa SK election.
Inaasahan nilang mas dumami pa ang mga magpaparehistro sa mga susunod na araw dahil maiksi lamang ang panahon na ibinigay ng COMELEC na nagsimula kahapon at magtatapos sa ikadalawampu’t tatlo ngayong HULYO.
Magsasagawa naman sila ng Satellite Registration sa araw ng SABADO sa Barangay San Fermin na magsisimula ganap na alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Inihayag pa ni Barangan na maayos at mapayapa ang unang araw na pagsasagawa ng registration dahil may mga nakabantay na kasapi ng PNP Cauayan City at POSD.
Mayroon na ring mga kabataan ang nagpa-reactivate sa kanilang mga natanggal na pangalan.