CAUAYAN CITY – Nagkaroon ng problema sa pag-aalaga ng mga manok dahil lumiit ang size at humaba ang pag-aalaga sa mga ito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo cauayan, sinabi ni Engineer Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na nagkaroon ng problema sa produksiyon ng manok dahil mula sa 1.5 kilo ay naging 0.8 kilo na lamang ang normal size ng mga manok.
Tumaas ang presyo ng manok dahil ang maliit na size ay binawi ang presyo sa mas malaki na size at tumaas din ang singil sa koryente at iba pang gastusin sa produksiyon.
Sa presyo ng itlog, ang medium size ay P/6.00 ang farm gate prIce ngunit ang retail price ay aabot na sa P9.00.
Gayunman, sa mga lalawigan ay mayroon pang nabibili ng P7.50 bawat piraso.
Sinabi ni Engineer So na walang kakulangan ng supply ng itlog ngunit tumaas lang ang presyo nito dahil sa pagtaas ng production cost.
Bukod dito ay nagsara ang ilang farm at ang iba ay nalugi dahil sa bird flu virus at sa pagtaas ng inputs ng mga magsasaka tulad ng mais na ginagawang feeds.
Tiwala si Engr. So na hindi na aabot sa P15.00 ang bawat piraso ng itlog.
Wala silang nakikitang pagbaba sa presyo ng itlog sa mga susunod na buwan dahil sa pagtaas ng production cost.
Sa manok ay inaasahang bababa ang presyo kapag naging normal ang size ng mga ito.