--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal possession of firearms ang maglive-in partner at isa pang lalaki matapos masangkot sa pagtutulak ng illegal na droga at masamsaman ng baril sa Brgy. Centro East.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang mag live-in partner na dinakip ay sina Freddie Ray Pajarito, tatlumpu’t siyam na taong gulang, driver at Rizza Joy, tatlumpu’t walong taong gulang, online seller at kapwa residente ng Centro West, Santiago City.

Ang isa pang inaresto ay si Rolando Jimenez, limampu’t tatlong taong gulang, may-asawa, rolling vendor at residente ng Bugallon Proper, Ramon, Isabela.

Sa pangunguna ng PDEA Quirino Provincial Office, Regional Drug Enforcement Unit at Santiago City Police Office Station 1 ay isinagawa ang buy-bust operation na nagbunga ng pagkakaaresto ng mga pinaghihinalaan.

--Ads--

Nakuha sa pag-iingat ng mga pinaghihinalaan ang apat na piraso ng medium size at apat na piraso ng small size heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa 12 grams ang timbang at nagkakahalaga ng 81,600 pesos.

Nakuha rin ang 25,000 pesos cash na ginamit sa operasyon at mga drug paraphernalia, isang caliber 38 short firearm na may magazine, dalawang cellphone, isang metallic case at isang pack ng plastic sachets.

Ang mga pinaghihinalaan ay ginagawa pa umanong drug den ang lugar kung saan sila inaresto.

Kabilang sa Regional Target list ng PDEA ang mga pinaghihinalaan at inihahanda na ang mga kaso laban sa kanila.